by Edu Reyes
Panatang Makababoy
Ninanakawan ko ang Pilipinas
Panatang Makababoy
Ninanakawan ko ang Pilipinas
Ito ang aking pinagkakakitaan
Ito ang pinagkukuhanan ng aking lahi
Ito’y aming kinukukop ang ari-arian
Upang maging mayaman, maligaya kahit walang pakinabang
Bilang ganid, diringgin ko ang payo ng aking mga kasosyo
Susundin ko ang mga tuntunin na nakasaad sa programa ng PDAF
Palulusutin ko ang mga pagkupit sa mga mamamayan at kaban ng bayan na naaayon sa batas
Lilinlangin ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at walang pananagutan
Sisikapin kong maging isang tusong Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.
--------
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.
No comments:
Post a Comment