by Danilo Kayumanggi
Balita ko tinitira nyo daw ako kasi naisulat ko sa libro kong kathang isip lamang na tinawag kong Gates of Hell ang tirahan nyo. Ang daming nag-react at nagalit nung nabasa ito. Mga balat sibuyas pala kayo noh? Buti na lang Gates of Hell lang, kung nasabi ko palang Hell itself, siguro hindi lang MMDA chairman nyo nag-react. Chairman, kumusta ho ang traffic sa EDSA, hindi po ba hellish? Eh yung mga basura, hindi ba smells like hell? Naku eh marami pang iba na mala-impyerno dyan sa lugar nyo... buti na lang at kathang isip lang yung sinulat ko. Sa inyo ho aktuwal!
Pano kaya kung sinulat kong Gates of Heaven? Sandamukal na naman kayong magtu-tweet at magpopo-post sa Facebook ng Proud to be Pinoy! Di bale nang work of fiction noh? Gates of Heaven... pero FICTION. Wow.
Naisip ko na yun eh. Kahit anong sabihin ko eh babalewalain din naman ng mga Pinoy na work of fiction ito eh.... so, ano pa bang gagawin ko kundi...... TOSS COIN! Heads sa Gates of Hell, Tails sa Gates of Heaven. Shucks, heads. Ok, Gates of Hell.
Eh kung sa China ko kaya nilagay yung Gates of Hell? Sigurado tuwang-tuwa kayo kasi eto yung mga mang-aagaw ng teritoryo nyo. Pero di ba ang sama naman non, tuwang-tuwa kayo na yung kapitbahay nyo yung sinabihan ng masama at hindi kayo. Ang sama nyo naman. Pero buti na lang talaga at kathang isip lang yun. Yari ako nyan sa China, mas madaming magagalit sakin at sandamakmak ang Tsino sa buong mundo... at syempre sa China.. Maraming Chinese sa China!
Di ba nakabalita na kayo nung isang tao na hinampas ng payong yung isang kilalang aktres na kontrabida sa isang teleserye at sinabing, "Ikaw! Inaapi mo si MaraClaraMariMarAnaLuna!" Di ba nakakatawa. May mga nagsasabi pa sa inyo na, "Ang tanga naman non. Acting lang yun. Mabait sa personal yang si kontrabidang aktres. Role lang nya yun sa isang teleserye na kathang isip."
Role lang ni Manila yung Gates of Hell sa isang kathang isip na libro. Alam naman natin na maganda ang Manila (sort of). Wag nyo ho akong hampasin ng payong.
*********
Note: Kathang isip lang ho ito at hindi po ako totoo at aktwal na si Danilo Kayumanggi. Pero kung maniniwala ho kayo, sige, paki email nyo na lang ako sa parakangtanga@hindiakoito.com.
Friday, May 24, 2013
Thursday, May 16, 2013
Party Party
by Edu Reyes
Napaka-shady talaga ng Party List system na yan noh? Ano ba talaga yang Party List system na yan? Eto, baka may mag-lecture na naman sa law eh...
"Nakasaad sa Republic Act No. 7941 o ang Party-List System Act na itinataguyod nito ang representasyon ng mga mamamayang Pilipino na kabilang sa mga 'marginalized and underrepresented sectors, organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies but who can contribute to the formulation and enactment of appropriate legislation.' "
Ok, so yan DAPAT ang layunin ng party list. Para may representative yung marginalized at underrepresented sectors. Pero yan nga ba nangyayari? Ang nakakatawa eh sa balota, HAAANG DHAAAAMING party list. Hindi mo malaman ngayon kung ano pipiliin mo. At talaga bang lehitimo yung mga hinayupak na yun? Tulad na lang dati, may nag-represent ng security guards na milyonaryo naman yung umupo. Dinig ko sa news maraming party list ang mapepera naman yung uupo o silang mga milyunaryo yung mismong nagbuo. So nasan yung representation ng marginalized sector? Misrepresentation ang nangyayari. Ang masakit pa nyan, tayo ang magsu-sweldo sa mga hinayupak na mga milyonaryong misrepresentatives na to. COMELEC, umayos kayo ha.
O eto, magbubuo din ako ng party list. BATUGAN party list. Pasok to sa, "...organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies..." kasi hindi lang yan ang lacking.. marami pang iba... batugan nga eh. Tapos absent tayo sa lahat ng session sa camara... unless eating or drinking session yan, dun lang tayo pupunta. Teka, eh wala namang bago dun. Hindi naman out of the ordinary yun eh, common practice yan di ba? Saka it's about time na may aminadong tamad na magre-represent ng mga kapwa nya tamad. Tapos pag nanalo tayo, magkakaroon tayo ng faction, kasi may iba pa namang form ng pagkabatugan. Yaman din lamang na party ang tawag satin, ang ipapangalan natin sa faction na ito ay, Party Pilipinas. Para sa mga batugan na walang ginawa kundi magpakasaya at gumimik nang gumimik. At least tunong makabayan pa rin.
Kaso delikado, wala tayong panalo nito. Kasi umpisa pa lang, tatamarin na tayong mag-file sa COMELEC. Kung mai-file man at pumasa, baka tamarin din tayong mangampanya. At malamang lahat ng boboto satin ay tamarin din. Kung hindi man tamarin bumoto, tatamarin din mag-shade sa balota. In any case, #5 lang po sa inyong balota, BATUGAN party list. Bagong Alyansang Tamad, Ungas, Garapal At Nuknukan ng siba. BATUGAN party list, balloons, tables and chairs for all your party needs.
**********
Usapang party... parlor games. Magpost sa facebook status mo ng, "Who voted for Nancy?" Tingnan natin kung may aamin.
**********
Ang estupido nung batas na pag tabla ang nakuhang boto, toss coin. I-revise yan! Toss coin na lang lahat para masaya! Tamang-tama sa mga batugan. At saka biruin mo, papapilahin nyo kami ng pagkatagal-tagal. Nandyang napaka-init, tapos bubuhos ang ulan, tapos aaraw uli. Pag boto mo sa loob, walang electric fan, napaka-alinsangan. Yung marker, wala nang tinta. Tapos sira pa yung milyung-milyong pinagkagastusan natin na PCOS... tapos pwede palang TOSS COIN!? Pano pag tatlo yung tumakbo tapos tatlo silang tabla? Panong toss coin yun, best of 3? Kara-cruz na lang!

Tuesday, May 14, 2013
Sana Tama
by Edu Reyes
Tangina naman o. Nakita nyo yung Top 12? Naknamputcha, di ko malaman kung magagalit ako, maiiyak o tatawa na lang. Well, pwede rin lahat... kasi NAKAKA-SIRA ng ulo! Ka-depress! Parang gusto kong mang-hablot ng tao at tanungin, "Hoy! Ikaw! Sinong binoto mo?!?!?!" Tapos pag hindi ko nagustuhan yung sagot, pagsasasampalin ko tapos ihahagis ko hanggang sa kanto. Pero, hindi pwede. Bukod sa bawal, hindi ko rin kaya, haha. Weak. Saka gusto ko pang umuwi dito samin, pag ginawa ko yun, tiyak hindi na ako makakabalik dito samin. Pag ginawa ko naman sa ibang lugar, baka hindi na ako makakalabas ng buhay. Hehe
Karamihan, as in KARAMIHAN sa Top 12, yun ang hindi ko binoto. 8 lang ang binoto kong Senador. Olats pa. Yung iba nga 5 lang ang ibinoto, yung iba 4... pero karamihan, pinuno talaga yung 12. PINILIT. Anong epekto nun? Eh di pilit. Pinilit mong 12, so tipong, "ah ito pwede na to, ah ito sige sikat naman apelyido nito eh, ah ito gusto ko yung tatay nito eh... sayang naman kung hindi ko pupunuin yung 12." Tssss. Gago. Hindi sayang yun. Sayang yung pinilit mong boto, kasi hindi mo pinag-isipan yun. Hindi tama, hindi wise. Pwe.
Nakakawalang gana. Naiisip ko tuloy, baka may daya tong PCOS. Baka mali-mali tong computer. Baka sinabotahe ng COMELEC. O baka naman pride or ego ko lang kasi halos lahat sa mga manok ko, talo. Pati mayor ko, talo. Masama naman kuwestyonin mo yung binoto ng iba, kasi lalabas non arogante ka or you think you are better than them. Eh yun ang gusto nila eh, karapatan nila yun. Kung naiinis ka or galit ka sa mga nandadarag sayo, wag mo ding gagawin sa iba. Wala na tayong magagawa kung yun yung ibinoto nila. Walang basagan ng trip. Tapos na ang eleksyon... tapos na rin ang liquor ban kaya daanin na lang natin sa inuman! Haha.
Emote. Just like any relationship turned sour, I will move on. Yun ang binoto ng mga tao, dun sila masaya. Hindi ko nakuha yung gusto ko, let go. Move on. All I can do is wish for their happiness. I will be bitter because that is what is normal. I may sour-grape also pero I'll try to be happy kasi dun sila happy. Yan ang pinili nyo. Sana tama.

Friday, May 10, 2013
Literal
by Edu Reyes
Facebook. Nakakatuwa yung sagutan ni Nancy at ni Vice Ganda. Naki-join tuloy ako nung himirit si ANC 24/7. Sabi kasi may malalim daw na dahilan kaya panay daw ang puna ni Vice kay Nancy. Kaya nag-react ako, sabi ko, ano pa bang dahilan ang hinahanap mo Nancy? Sapat na yung hindi ka qualified. Tapos may reply na pala ang hinayupak na facebook. May nagreply… may nag-react! Ewan ko kung kamag-anak ni Nancy o best friend nya siguro. Ni-lecture-an ako tungkol sa konstitusyon.
Sabe, "Mr. Reyes, nagbabasa ka ba ng konstitusyon? Ang nakasaad lang sa batas ay able to read and write at natural born Filipino Citizen. Walang sinabi sa batas na graduate ka ng college o abogado ka or naging mayor ka muna. Magbasa-basa ka rin para alam mo ibig sabihin ng Qualification."
Lecture na sa law, lecture pa sa vocabulary. Anong say nyo, grammar nazis? Pero hanep, may mga nagtanggol. So nagdebate na sila… 2 oras ang lumipas bago ko nabasa at medyo mahaba na ang usapan. Late reaction pero sabi ko, "Mas iboboto kita, Ate, kesa kay Nancy! Mabuhay ka! At least nakikipag-debate ka! Mag-isip-isip din... wag lang puro basa!"
Literal si Ate, pero may point naman sya eh. Eh yun ang sabe ng konstitusyon eh, tama naman. So sundan natin yung literal na logic ni Ate...
Next election, magsa-submit ako ng COC sa COMELEC. Tatakbo rin ako bilang senador. Senador agad, para sikat. Tutal kahit wala naman palang experience eh. Hindi ako naging Mayor, or Councilor. Kahit nga kagawad hindi eh. Kahit tanod, hindi ko naranasan! Teka, kahit nga pala class officer sa school, hindi ko rin naranasan ah. Pero ayos lang yun, pwede daw eh. "Qualified" ako! Kung si Cynthia nga tatanungin mo, hindi naman daw kailangan ganon ka-galing. Kaya… diretso Senador!!!!
Pero bago yun, magpapa-convert ako ng religion, yung may flock voting, para kuha ko na rin ang boto nila. Magpapaconvert ako para magpabinyag at mapalitan ko ang pangalan ko. Pipili ako ng popular na apelyido. Aquino kaya? Ako na ngayon si Edu Aquino. O kaya Enrile. Binay na lang kaya? Edu Binay? O pwede rin artista, Poe! Edu Poe! O di kaya Dantes, teka, sikat pa ba si Dingdong? Wag na Manzano, ilang beses na rin tumakbo yan si tukayo, hindi naman nanalo. Basta sikat na apelyido, tutal parang ganun lang naman din ang labanan eh. Pasikatan ng apelyido. Kahit walang partido - independent para cool. Tapos dadaanin na lang natin sa slogan, "Itutuloy ko ang sinimulan ng ka-apelyido ko." Pwede na ba yun?
Tapos dapat makinis para gwapo sa campaign posters. Belo o Calayan? Belo na lang, mas controversial, mas sikat! Sandali, pwede naman palang photoshop na lang, mas mura pa. Kahit ako na lang siguro gumawa, medyo marunong naman akong mag-blur.
Braces. Sikat pa ba magpa-braces? Wag na siguro, mahirap mag-speech, talsik laway. Mababasa lang yung mic. Pero teka, hindi ko kailangan mag speech, hindi rin ako kailangan mag pa-interview or makipag-debate. Court order lang pala kailangan eh. Eh ang dali lang pala tumakbo ng Senador eh, sus!
Tapos magpapamudmod ako ng gadgets. Tamagochi, kasi wala naman akong budget. Yung mura lang, yung pwedeng mabili sa Divisoria. Sosi na siguro yung brick game. Ok na yun, wala akong budget para magpamigay ng iPad.
Ano pa ba? May nakalimutan ba ako? Endorsers? Sige, kukuha tayo ng sikat na artista. Kahit hindi registered sa COMELEC para bumoto. Parang tanga lang eh noh? Mag-eendorse tapos hindi pala pwedeng bumoto. Pero wala akong kilalang artista. Rakista na lang, marami akong kilalang rakista… pero baka hampasin lang ako ng instrumento nila kasi mas maraming matatalinong musikero kesa artista… Facebook na lang. Tutal sanay naman akong magpost ng kalokohan… at malalaman mong maraming boboto sayo depende sa dami ng likes.
Kayo, iboboto nyo ba ako?

Subscribe to:
Posts (Atom)