by Edu Reyes
Malapit na ang eleksyon. Pinag-iisipan ko nang mabuti kung
sino ang iboboto kong president at bise-presidente. May napupusuan na ako, pero
patuloy pa rin ang pagmamatyag ko. Pumupulso, nagbabasa, nakikibalita,
nakikialam.
Minarapat ko na gumawa ng listahan at maglahad ng saloobin na galing sa puso at sa simpleng pag-iisip ng simpleng taong katulad ko.
Jejomar Binay – sa umpisa pa lang, hindi ko na gusto ang
taong ito. Maraming alegasyon, maraming nagpakita ng ebidensya, may mga kasong
isasampa/sinampa, pero nasagot ba nya? Binigyan sya ng maraming pagkakataon na
sagutin ang mga kaso laban sa kanya, hindi nya sinagot. Kesyo ang timing ganito, timing, timing, timing... eh kelan mo gusto? Pag presidente ka na? In your dreams!
Kung ibabandera nya ang
Makati na pinayaman daw nya, naniniwala ako na kahit hindi sya ang namalakad ng
Makati, uunlad pa rin ang Makati. Bago pa sya nagging mayor, maunlad na ang
Makati. Nakita ko na rin ang mga “EMBO” na sumasalamin sa tunay na Makati, malayo sa katotohanan, Mr. VP.
Hindi mo ako magogoyo, Mr. Binay.
Miriam Defensor-Santiago – Noong una, sya ang gusto ko.
Naniwala ako na napapanahon na para sya naman ang maging presidente. Matalino
at matapang. Kahit may sakit, naniwala akong gagaling sya at kakayanin nya.
Tapos biglang umalyado kay Bongbong Marcos. Hindi. Mali yon. May conspiracy
theory ako. Alam nating may sakit si MDS, given na hindi sya kurakot, hindi ganon
kadami ang pera nya. Mahal magpagamot ng cancer. Teyorya ko na inalok sya ng
mga Marcos, “Miriam, running-mate ka ni Bongbong. Ako ang bahala sa
pagpapagamot mo. Hindi ka mananalo pero ang misyon mo ay maitawid si Bongbong
sa pagka-bise. Ako ang sasagot sa gastusin mo sa pagpapagamot.” Teyorya yan,
maaaring malayo sa katotohanan… pero wala akong maisip na ibang dahilan kung
bakit ang isang katulad ni madam MDS ay papanig sa mga Marcoses. So, sorry
madam, I cannot give you my vote.
Grace Poe – Ni hindi ko nga gaanong narinig ang mga ginawa
nitong tao na to eh. Wala pang impact ang political career nya, kulang sa
experience. Secondary sa akin yung problema ng pagiging Amerikano nya eh. Ang
pinakamahalaga sa akin, ano ba ang accomplishments nya at qualifications? Bakit atat
na atat syang maging pangulo? Sa palagay ko nga, kung hindi sya tumakbo ngayon
bilang pangulo, itinuloy nya ang pagsisilbi bilang senador, gumawa sya ng
mabuti para sa Pilipinas at mga mamamayan nito, pwedeng-pwede syang maging
pangulo sa susunod na eleksyon. Eh wala, atat eh. Itutuloy ang nasimulan ng tatay…
ang nasimulan lang ng tatay nya eh tumakbo bilang pangulo. At kung naging
pangulo man non si FPJ, malay ba natin kung magiging maganda nga ang
pamamalakad nya. Dahil sa inexperience ni Grace Poe, malaki ang posibilidad na
maging puppet lang sya ng kung sinong "sponsor" at maging sunud-sunuran sa kanila. Ang dali nyang bolahin, ang dali nyang mapagbago ng isip. Kita sa mga binitawan nyang mga salita noong SAF 44, at latest yung sa coco levy. Kawawa lang tayo at
ang bansa natin.
Mar Roxas – this guy looks good on paper. Basahin mo yung accomplishments daw nya, yung qualifications nya, ok eh. Aral kasi, mayaman pa. Pero pag tiningnan mo yung aktwal, hindi match. Pikon at madaling bumigay under pressure, parehong-pareho sa katangian ni Noynoy Aquino. Ang dami nilang kapalpakan. Ibinabandera nya na itutuloy nya ang tuwid na daan. Pagagandahin lalo ang magandang nasimulan, papalitan ang mga mali. Ang tanong ko sayo Mr. Roxas, bago mo palitan yung mali, kailangan mo munang i-acknowledge na mali.
Aamin mo ba na mali yung nangyari sa pag-handle ng Yolanda?
Aaminin mo ba na mali yung operasyon ng SAF 44 na hindi ka naman nakasali at sabi mo hindi ka na-inform?
Aaminin mo ba yung kapalpakan ng administrasyong Aquino sa Kidapawan?
Aaminin mo ba ang pang-aapi ng adminstrasyong Aquino sa mga Lumad?
Ina-acknowledge mo ba ang pang-aapi ng mga Aquino sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita?
"Drogaaaa?"
Aaminin mo ba na palpak yung ginawa mo sa DOTC kaya nagka-leche leche yung MRT? (http://www.philstar.com/headlines/2016/02/11/1551901/roxas-blamed-mrt-contract-mess)
Na mali ang ginawa mo noong nilagay mo sa DOTC ang bidding ng lahat ng ahensyang sakop nito kasama na ang LTO kaya't pumalpak ang pag-gawa at pag-distribute sa mga lisensya ng mga drivers, at plaka at sticker ng mga sasakyan? (http://interaksyon.com/article/76924/roxas-blamed-for-delayed-issuance-of-license-plates-at-lto)
Paano mo ngayon “papalitan ang mali” kung hindi mo naman alam na mali ito? Ang suma-tutal nyan, itutuloy mo lang yung “Daang Matuwid” na ngayon, hindi na namin makita kung nasaang parte yung sinasabi nyong tuwid. Mas marami yung zigzag kesa sa tuwid... nakakasuka!
Mar Roxas = tumataginting na STATUS QUO.

Rodrigo Duterte – ito ang napipisil kong maging pangulo. Ang
problema, sa dami nung sinabi nyang gagawin nya at kaya nyang gawin, wala doon
kung, “papano.” As if iboboto ko sya ngayon “on faith”. Naniniwala naman ako na
kaya nyang gawin ang mga sinasabi nya, pero at least man lang, kahit buod lang,
makita namin kung paano. Natatakot ka bang gayahin lang ng ibang kandidato yang pamamaraan mo? Ito lang ang alas mo?
Hindi ako naniniwala na magde-declare sya ng Martial
law. Hindi din ako naniniwala na papatay sya kabod-kabod na lang. Kung
napapanood nyo yung mga videos kung saan ineexplain nya ang mga ito, nasasabi
naman nya eh. Dadaan sa proseso. Sa legal na pamamaraan. Kung hindi nyo
pinapanood eh problema nyo yun. Kung hindi kayo naniniwala, eh di sige, karapatan
nyo yan.
Si Marcos ililibing nya sa libingan ng mga bayani? Hindi ako agree dyan. Pero madami syang pagdadaanan dyan. Madaming pwedeng pumigil. Siguro may kompromiso sa mga Marcos? “Ibalik nyo ang ninakaw nyo, mag-apologize kayo, etc. Sige ilibing na natin yan.” Payag kaya sila? Pero ang mas mahalagang tanong, Payag kayo? Payag ba tayo dun? Parang ako, hindi pa rin.

Sa China,
bilateral talks. Isipin nyo rin, gaano katagal yang arbitration sa
international courts na yan na hindi naman ina-acknowledge ng China? Baka by
the time matapos yan, tuyot na yung isla, ubos na ang mga lamang-dagat. Sino
lang nakinabang? Gusto nyo na lang makipag-gera? Gusto nyong pumatay ng mga
Chinese? Ayaw nyo sa pumapatay ng kriminal pero ok sa inyo na pumatay ng
Chinese? Ok lang sa inyo na mamatay yung mga sundalo natin? Aminin natin, hindi tayo mananalo
sa China kung gera ang usapan. Kung aasa tayo sa US at iba pang mga kaalyado, sige,
pwede tayong manalo, pero wag nyong lokohin ang sarili nyo, may kapalit yon.
May kanya-kanya silang interes sa Pilipinas.
O Amerika na tutulungan tayong pumatay ng mga Tsino kapalit ng panggagahasa nilang muli sa likas na yaman ng buong Pilipinas?
Para sakin? Wala! Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino.
Hindi ako agree sa lahat ng sinasabi ni Duterte pero mas pipiliin ko na sya kaysa kay Grace Poe na Amerikanong walang credentials, kay Mar Roxas na hindi mo maintindihan (iiwasan kong magmura at magsabi ng mga bagay na hindi kanais-nais), kay Binay na kurap, at kay Miriam na... hay, madam.
Wala na eh, damage has been done. Dahil sa kapabayaan ng administrasyon ni PNoy, nasakop ng China ang teritoryo natin. Damage control na lang ito. Ipaglaban natin yan pero we better think smart. Avoid war and stop unnecessary loss of lives.
Kung papipiliin tayo, China na ukupahin ang mga maliliit na isla ng Pilipinas kapalit ng train system sa buong Pilipinas?O Amerika na tutulungan tayong pumatay ng mga Tsino kapalit ng panggagahasa nilang muli sa likas na yaman ng buong Pilipinas?
Para sakin? Wala! Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino.
Hindi ako agree sa lahat ng sinasabi ni Duterte pero mas pipiliin ko na sya kaysa kay Grace Poe na Amerikanong walang credentials, kay Mar Roxas na hindi mo maintindihan (iiwasan kong magmura at magsabi ng mga bagay na hindi kanais-nais), kay Binay na kurap, at kay Miriam na... hay, madam.
Pananaw ko ang mga yan, bahala kayo sa mga opinyon ninyo.
Simple lang ako mag-isip. Kung gusto nyong kontrahin yan, at bumanat ng
matatalinong diskusyon, sige banat! Hindi ko kayo pipigilan, karapatan nyo
yan.. at masarap magbasa.
Naniniwala ako na DISIPLINA ang kailangan ng mga Pilipino. Simula nang makalaya tayo sa Martial law ni Marcos, para na tayong mga tanga na naglalakad lang ng walang direksyon. Mga mamamayan na sarili lang ang iniisip. Tapon dito, tapon don. Kawalan ng disiplina sa kalsada. Siksikan sa Maynila lahat, ang labas squatter. Ang lalakas mag-reklamo pero walang pakialam sa kapwa Pilipino. Kanya-kanya na.
Gobyernong niloloko na lang tayo na gumagawa ng sarili nilang sistema para magnakaw ng yaman, alinsunod sa pattern ng pagnanakaw na itinatag ni Marcos. Project dito para makapaglabas ng pondo, ibulsa natin yung makakalusot. Substandard na materyales - Public safety na nakasalalay sa obra ng "cheapest bidder". At sa bawat administrasyon, palala nang palala ang nakawan, palaki nang palaki, pagarapal nang pagarapal. Kailangan nang matigil yan. Kailangan ng pagbabago.